Jessica Sanchez Vs. Philip Philips sa Grand Finale

Makalipas ang disappointing performance kahapon ni Jessica Sanchez, hinusgahan na ng America ang kanyang kapalaran. The Verdict? She’s IN! Nagsimula ang programa sa pagpapakita ng hometown visits ng tatlo at sinundan ng group performance na kung saan kinanta nila ang Beattle’s song.  Matatandaang nakatangap ng mixed reviews kahapon si Jessica sa kanyang performance mula sa Idol judges at sa mga kritiko. Pero dahil sa suportang ibinigay ng kanya ng mga fans, siya ang makikipag-head-to-head battle kay Philip Philips sa grand finale.  Hindi man ganun ka-interesante ang grand finale next dahil sa pagkatanggal ni Joshua Ledet,magpasalamat pa din tayo kasi may isang deserving na talento ang nakapasok sa finale. Hindi ko sinasabing hindi deserving si PP pero kung si Joshua sana ang nakapasok, umaatikabong bakbakan ito sigurado. Anyway, sa mga kababayan natin sa America, tuloy ang kampanya…tuloy ang botohan!